Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

TUNGKOL SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

SALAMAT SA MGA SPONSORS






ads - group 5
ads - group 6




NOON PO SA AMIN

Mga bugtong, salawikain, kasabihan, pamahiin, katutubong sayaw at awitin, tula, palaro, libangan, mga lumang kaugalian at paniniwala ng ating mga ninuno.


Sa Bahay Kubo (pangalan ng blog) ni Laura Balatbat Corpuz ay matutunghayan ang lumang tulang BUHAY NG PALAY (1944 - author unknown), na diumano ay "tinula ni Sofia Garcia Balatbat na itinuro naman sa kanyang mga apo na sina Ervin Paz B. Bacon dela Rosa, M.D. at Noe Balatbat Bacon, M.D. Ang tulang ito ay saulado na rin nina Jhun Bailete at Juan Balagtas dela Rosa, pawang apo sa tuhod ni Sofia. Siya ay tunay na magsasaka na nagpahalaga sa palay na kaniyang pinagkunan ng ikabubuhay ng kanyang tatlong anak na babae na sina Oliva Balatbat Enriquez, Felicisima Balatbat Bacon, M.D. at Laura Balatbat Corpuz."

Ang Buhay ng Palay
~
Munting butil na tumbagang
Isinabog sa bukirin
Nang tumubo'y tila damong
Anong inam pagmalasin!
~
Mga daho'y makikitid
Na sa uhay tila man din
Kumakaway sa amihang
Kung umihip ay kay lambing.
~
Ang malamig na Disyembre
Nang idating ng panahon
Palay natin ay namunga
Sa tulong ng mga ambon.
~
Ang bukid na dati'y lunti
Naging kulay ginto ngayon
Magsasaka ay natuwa
'Pagkat 'di na magugutom.