KWENTULA
Ito ay mga kuwentong isinalaysay nang patula. Ang iba ay may temang seryoso, at ang iba naman ay may temang pabiro. Para sa mga may mahabang oras (at pasensya) sa pagbabasa, baka sakaling makapagdulot ng libangan kundi man kaunting aral ang mga kwentula sa mga pahinang ito.
- Pag Ang Puso'y Napusoy - Ito ang kasaysayan ng wagas na pag-ibig nina Pepong at Menday, na bagama't hango sa tunay na buhay ay hindi naman tutoo at kathang-isip lamang ng sumulat na walang maisip isulat... [mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael Pulmano]
- Butas Na Medyas - Ano ang misteryong bumabalot sa mahiwagaang butas na medyas, at paano nito ililigtas ang buong kaharian ng Potpot sa maitim na balak ng balakyot na kaaway at kampon ng kadiliman? [mula sa hindi seryosong panulat ni Rafael Pulmano]
- Bugso ng Gunita - Dugtung-dugtong na kwento ng makulay na karanasang pinagdaanan – mula sa paglisan sa kanyang nayon hanggang sa kasalukuyan – ng isang Pilipinong nagtungo sa London upang doon hanapin ng magandang kapalaran. [mula sa seryosong panulat ni Bert Cabual]






