Site menu:

SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS





ads - group 5

The Case of the Viskotso Masaker  |  Isang Dangkal na Gunita  |  Pasko  |  Pirma  |  San Miguel Arkanghel


PASKO


(Dula-dulaang
itinanghal sa Hotel Pere Marquette, Peoria, Illinois 61602, Disyembre 15, 1987.)

Isinulat nina:
Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales


MGA TAUHAN

Lolo at Lola:  Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong:  Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay:  Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak:  Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera:  Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika:  Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon:  Ric Corpuz at Carlito Vero

Unang Tagpo

(Tanawin: Loob ng bahay
. Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan.  Tumutugtog ang kampana.)


Nanay:  “Dalian ninyo mga anak.  Baka mahuli tayo sa  misa de gallo.”

Anak 1:  “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2:  “Hintayin ninyo ako.  Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3:  “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4:  “Ako rin po.”

Nanay:  “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay:  “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) 


– Telon –


Pangalawang Tagpo

(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa.  May mga tindera.  May tugtuging pamasko.)


Nanay at Tatay:   “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak:  (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1:  “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1:  “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2:  “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2:  “Mayruon ako, anak.  Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2:  “Dalawa po.”

Anak 3:  “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate.  Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4:  “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay:  “Halina kayo kina Lolo at Lola.  Hinihintay nila tayo.”

Tatay:  (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo:  (Bubuksan ang pinto.)  “Tuloy kayo mga anak.”

– Telon –

Pangatlong Tagpo

(Tanawin:  Loob ng bahay nina Lolo at Lola)


Mga Anak:  “Mano po, Lolo.  Mano po, Lola.”

Lolo at Lola:  “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

                 (Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang:  (Naka-upo sa silya.)

Anak 1:   “Mano po, Ninong.  Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong:  “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2:  “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola:  “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo:  “Halina na kayo, mga anak.  Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”

Anak 3:  “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4:  “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”


             (Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2:  “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.”  “Maligyang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagon Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay:  “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain.  Busog na busog po kaming lahat.” 

Buong Mag-anak:  (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapalam.)  “Paalam na po.”  “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin.”

Lolo at Lola:  “Mag-iingat kayo sa daan.”

– Telon –

 

 

The Case of the Viskotso Masaker  |  Isang Dangkal na Gunita  |  Pasko  |  Pirma  |  San Miguel Arkanghel

 

Bagong dagdag na pahina: Disyembre 21, 2008