April 13th, 2008 tagapamagitan

BlogTalasan ng Katwiran, narito na’t naghahamon
Sa sinumang naambunan ni Balagtas ng bendisyon
Isulit ang nalalaman, suriin ang bawat tanong
Sumalungat, makilaban, makiisa, sumang-ayon.
Tayong lahat kanya-kanya ng sariling paniwala
Ngunit ito’y hindi hadlang sa magandang ninanasa
Layunin ng BlogTalasan ay matuto tayo kapwa
Pulutin ang mabubuti, iwaksi ang masasama.
Kaya tuloy, tuloy kayo - kababayang minamahal
Na makatang mambabasa, panauhin, naligaw lang
Mag-register, pumili ng paksa’t mag-post ng katwiran
Ibahagi sa daigdig ang talas ng kaisipan!
BASAHIN ANG BUONG PAANYAYA
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan | No Comments »
April 12th, 2008 tagapamagitan
TANONG:
Sa dalawang nag-iibigan, halimbawang kapwa sila nagkamali, sino ang unang dapat bumati at manuyo upang mawala ang alitan o tampuhan: Lalaki o Babae?

MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan, Pag-ibig, Paksa ng BlogTalasan, Pamilya | 23 Comments »
April 6th, 2008 tagapamagitan
TANONG: Ang pagdami ng populasyon ba ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino? o, Ang kahirapan ng mga Pilipino ba ang dahilan kung bakit dumarami ang populasyon? (bago)
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan, Ekonomya, Paksa ng BlogTalasan, Pamilya | No Comments »
April 6th, 2008 tagapamagitan
TANONG:
Sa kaso ni Neri na tumangging sagutin ang ilang katanungan sa pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersyang ZTE National Broadband Network Deal, alin ba ang nararapat bigyan ng higit na pagpapahalaga: Pribilehiyong Ehekutibo ng Pangulo? o Karapatan ng Mamamayan na Malaman ang Katotohanan?

MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan, Karapatang Pantao, Korapsyon sa gobyerno, Paksa ng BlogTalasan, Pulitika | 10 Comments »