PAANYAYA - Sali na po kayo!

BlogTalasan ng Katwiran, narito na’t naghahamon
Sa sinumang naambunan ni Balagtas ng bendisyon
Isulit ang nalalaman, suriin ang bawat tanong
Sumalungat, makilaban, makiisa, sumang-ayon.
Tayong lahat kanya-kanya ng sariling paniwala
Ngunit ito’y hindi hadlang sa magandang ninanasa
Layunin ng BlogTalasan ay matuto tayo kapwa
Pulutin ang mabubuti, iwaksi ang masasama.
Kaya tuloy, tuloy kayo - kababayang minamahal
Na makatang mambabasa, panauhin, naligaw lang
Mag-register, pumili ng paksa’t mag-post ng katwiran
Ibahagi sa daigdig ang talas ng kaisipan!
Leave a Reply