Saang sulok ng daigdig ka man naroon, Kabayan, BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan.
BLOGTASAN
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo TUNGKOL
SA SAYT NA ITO

Advertisement
affiliate_link


BLOGTALASAN NG KATWIRAN
Patalasan ng isip at pagalingan ng katwiran

TULOY PO KAYO sa ating munting BlogTalasan. Sa pagtalakay sa mga napapanahong isyu sa pamamagitan ng isang pagtatalo sa anyong patula ay dito nasusubok ang talas ng pag-iisip at galing sa pangangatwiran ng mga nakikisangkot sa usapan.
 
Dating isang blog na sinimulan noong taong 2008, ito ngayon ay isang website na pinangangasiwaan pa rin ng orihinal nitong Tagapamagitan, Rafael A. Pulmano.

MALIBAN sa dalawang paksa sa ibaba (Pag-ibig at tampuhan, at Epekto ng media sa Pilipinas), ang mga BlogTalasang inyong matutunghayan ay bahagi na lamang ng nakalipas na kasaysayan o history ng bansa. Samakatuwid, ang mga kurukuro at katwirang ipinahayag ng mga nakilahok sa mga nasabing talakayan ay dapat unawain sa konteksto ng kaugnay na kapanahunan. Bagama't luma na at masasabing hindi marahil angkop ang mga usapin sa kasalukuyan (at alam na natin ang kinahinatnan!), ang mga ito ay nakawiwiling basahin at maaari pa rin namang kapulutan ng aral na posibleng maging kapaki-pakinabang sa mga darating na pagkakataon.


PGMA hanggang 2010?
Talakayan tungkol sa pagpapatuloy sa pagka-Pangulo ni Gloria Arroyo hanggang sa 2010

Executive privilege vs people's right to know
Diskusyon hinggil sa kontrobersyang ZTE National Broadband Network Deal

Pag-ibig at tampuhan
Palitan ng kurukuro tungkol sa tampuhan at muling pagkikibuan ng dalawang nagmamahalan

Paalam, Cory...Paalam, 'Democracy'
Kwestyon tungkol sa kalagayan ng demokrasya sa Pilipinas at pagpanaw ni Pangulong Corazon Aquino

Noynoy for President
Magkakasalungat na opinyon tungkol sa planong pagtakbo ni Benigno “Noynoy” Aquino III bilang presidente sa halalan sa 2010

Trahedya ni Ondoy
Pagsusuri sa isyu ng kung sino sa mamamayan o pamahalaan ang may higit na kapabayaan sa panahon ng kalamidad

Epekto ng print at broadcast media sa Pilipinas
Tungkol sa positibo at negatibong bunga ng media sa bansa






PAGTATANGGI

Ang mga komentulang nakalathala sa blog na ito ay personal na opinyon at pananagutan ng mga indibidwal na manunulat at hindi nangangahulugang sumasalamin sa tunay na pananaw, o dili kaya’y tuwirang sinasang- ayunan, ng may-ari ng blog na ito. Walang garantiyang ibinibigay ang may-ari ng blog na ito na ang mga nakalahad na opinyon o impormasyon rito ay kumpleto, tama, maaasahan at mapagkakatiwalaan.




Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

PASILIP sa BlogTalasan

Pag-ibig at Tampuhan

TANONG: Sa dalawang nag-iibigan, halimbawang kapwa sila nagkamali, sino ang unang dapat bumati at manuyo upang mawala ang alitan o tampuhan: Lalaki o Babae?


katreena says:
LALAKI DAPAT MAUNA

Sa dalawang magsing-irog
    na kapuwa nagkamali
Kung ako ang tatanungin,
    ang sagot na ipapakli
Lalaki ang nararapat
    na mauna sa pagbati
Upang tampo at alitan
    ay kaagad na mapawi.

Lalaki sa mula’t mula
    ay s'yang unang nanunuyo,
Nanliligaw, nagtatapat,
    nagsisilbi, nang-aamo
Kaya kung kapwa may mali,  
    sa akin ay tamang lalo
Na lalaki ang mauna
     sa pagluhod at pagsuko..


royalblogger says:
BABAE DAPAT MAUNA

Ako muna’y pasintabi sa
    naunang nangatwiran
Palagay ko hindi dapat
    kung kapwa may kasalanan
Na lalaki ang maunang
    babati sa kanyang hirang
Babae pag nahirati,
    lalaki ang nalintikan.

Kaya ako’y di sang-ayon
    kay katreena’ng ipinayo
Na sa twinang may tampuhan, 
    lalaki ang manunuyo
Sa larangan ng pag-ibig,
    hindi dapat maging dungo
Aabuso ang babae
    kung lalaki’y utu-uto!


BASAHIN ang buong katha: Sino nga ba ang unang dapat na sumuko – Lalaki o Babae?

BLOGTASAN
Tuloy po kayo!TulaKwentulaSalintulaBalagtasanBlogTalasanDulaSanaysayMaikling KuwentoSali ka, KabayanKilalanin NatinUsapang OFWCartoonsAwitLarawanDoon Po Sa AminHandogKomento at punaArkibo

 
Personal na web site ni Rafael A. Pulmano

OFW – ANG BAGONG BAYANI
 
COPYRIGHT 2017 © RAFAEL A. PULMANO

affiliate_link