
LAKANDIWA:
DAPAT: (Sa ibaba ng tanghalan
– Panawagan)
Nakalaan ako, bunying
Lakandiwa
Na sa Balagtasang ito’y sumagasa;
Ako ay hindi pa inahing makata,
Nguni’t dumalagang manok na sariwa.
Gayon pa man, ako’y sasagot sa tanong:
Dagdagan ang haiskul ng isa pang taon!
Ang ayaw pumayag at gustong magmaktol,
Kung hindi man pangit ay sarat ang ilong.
HINDI DAPAT:
(Sa ibaba ng tanghalan
– Panawagan)
Ilong ko’y di
sarat, Binibining Kalog,
Pagka’t tandang akong mananalo’t bantog;
Di ako sang-ayong dagdagan pang lubos
Ng taon ang haiskul sa bayan at lungsod.
Lakandiwa namin, ako’y nakahanda
Sa paanyaya mong mahalagang paksa;
Kung nais mong kami’y magtalo sa tula,
Diyan sa tanghalan, bayaang magdigma.
LAKANDIWA:
Magsiakyat kayo dito sa
tanghalan,
Nang ang “bagyo” ninyo’y ating masubukan;
Dapwa’t bago kayo maglako ng yabang,
Mangagpakilala sa harap ng bayan.
DAPAT:
(Sa ibabaw ng
tanghalan – Pagpapakilala)
HINDI DAPAT:
(Sa ibabaw ng
tanghalan – Pagpapakilala)
LAKANDIWA:
DAPAT:
(Unang Tindig)
Ang
pahatPAHAT
– paslit, musmos (not yet developed mentally);
di sapat (meager,
inadequate)
na diwa
nati’y tumataas,
Habang lumalaon sa nasang pag-unlad;
Sa haiskul na batis ng dunong na hiyas—
Ang apat na taong panaho’y di sapat.
Ang isang taon pang idaragdag dito
Ay tulong sa batang mapurol ang ulo;
Kaalamang dagdag na di mamagkano,
Ay tulong din naman sa matatalino.
Di ba’t sa mataas nating paaralan,
Aral-kolehiyo’y pinaghahandaan?
Ito ang
MinerbaMINERBA – Pangalan ng isang diyosa (the
goddess of handicrafts) sa mitolohiyang Romano. Ayon
kay Bheng ito ay tatak ng isa sa pinakamahusay na makina sa
imprenta na iniuugnay sa paaralan. Kay Francisco Atienza,
isa ring kinikilalang makata, ang mataas na paaralan ay dambana ni
Minerba. Sabi niya, “Ang dambana ni Minerba’y bakit
natin ipipinid, gayong batis na inuman ng uhaw na pag-iisip?) Sa
tekstong nasa balagtasan, ang Minerba, ang haiskul, ay pinagpipitaganan
at idinadambana rin ni Bheng Arellano, tulad ni Atienza.
ng
sigliwangSIGLIWA – katumbas ng inspiration
sa Ingles – nagbibigay-sigla (influence of thought
and strong feelings on actions, especially on good actions)
– sigliwang-daan, pampasigla o nagbibigay-siglang daan
daan
Sa unibersidad ng pagtatagumpay!
Kaya naman ako’y lubhang nagtataka
Sa kabalagtas kong wala yatang mata;
Sa galaw ng mundo, manong magmasid ka,
Ang walang tiyaga’y nagmumukhang tanga.
Ang aking mungkahi, tayo’y magtiyaga
Ng isang taon pang pandagdag na takda;
Sa haiskul, ang limang taong paghahanda
Ay may pamantasang may
hihintingHIHINTIN – salitang-ugat: hintin
(pinaikling anyo ng HINTAYIN) – kinuha sa pananaludtod ni
Balagtas, nang sabihin niyang “At sa katuwaa’y
kapag namihasa, kung lumaki’y walang hihinting
ginhawa.”
tuwa.
Maniwala kayong may magandang dating
Yaong limang taong haiskul na may ningning;
Ang hindi sang-ayong ito ay magaling,
Kung hindi man
pangkalPANGKAL – mabagal, makupad (slow
moving); tamad (lazy), ay
makatang
halingHALING – hibang, hangal!
LAKANDIWA:
Una pa lang
tindig ng
panig sa dapat
Ay merong hagupit na kagulat-gulat;
Makatang binata ngayo’y magsisikap,
Sagutin ang mutyang may tulang agimat.
Kaya naman ngayo’y sunod na titindig
Si Rudolf Miranda: may tula sa dibdib;
Kayo naman bayang dito’y nakikinig,
Sa palakpak ninyo, siya ay ihatid.
HINDI DAPAT:
(Unang Tindig)
Ang daigdig
ngayo’y lubhang peligroso
Sa krisis-pinansyal na pasan ng tao;
At ang Pilipinas, tingna’t apektado,
Marami sa atin ay walang trabaho.
Bagama’t nasanay ang Pinoy sa hirap,
Ayaw ko sa haiskul ng santaong dagdag;
Inaasam nating diplomang pangarap,
Di man imposible’y magiging mailap.
Sabihin ma’t hindi’y magkaka-problema
Sa silid-aralan, aklat at pisara;
Gayon din sa gurong gabay at pag-asa,
Kakulanga’y baka natin ipagdusa.
Hindi makikita sa dagdag na taon
Ang ganda’t kalidad ng haiskul sa ngayon;
Manapa’y sa husay ng mga instruksyon
Ng aral-may-upa o ng walang twisyon.
Sa di
matingkalangMATINGKALA – salitang-ugat:
tingkala – (comprehension, but used only in the
negative) – di matingkala = di maunawaan (incomprehensible)
hirap nitong Pinoy,
Ang santaong dagdag ay tila kumunoy;
Sa kitang karampot ni pobreng
Mang PandoyMANG PANDOY – palayaw sa magbubukid
na Fernando ang tunay na pangalan. Pangarap niyang mapag-aral at
mapagtapos ang anak sa pamamagitan ng puspusang pagtatrabaho bilang
magsasaka.,
Pagpasok ng anak—di maitutuloy!
Sa ating problema ay hindi panlutas
Ang dagdag sa haiskul na santaong
singkadSINGKAD – buo, ganap – (full,
exact, whole) – santaong singkad (a full
year);
Ulap ang isip mo, mutyang kabalagtas,
O, Bheng, gumising ka...ito’y realidad.
LAKANDIWA:
DAPAT:
(Ikalwang Tindig)
Sa teknolohiyang
ngayo’y umuunlad—
Visual aids,
computer: may bagong kalidad;
Sa komunikasyong
talisikTALISIK – bilis sa pag-unawa,
kislap ng kahusayan, katalasan ng kakayahan (quickness in
comprehending, expose cleverly ideas that are unusual, amusing)
na ganap,
Lubhang kailangan ang oras na dagdag.
Ang buong santaong idagdag sa haiskul,
Matinong ideyang
inihihimatonINIHIHIMATON – salitang-ugat:
himaton – ipinababatid, ipinababalita, ipinahihiwatig;
Mabuting tanggapin itong mahinahon,
Pagka’t ibubunga’y
masusingMASUSI – salitang-ugat: susi
– eksakto, maliwanag (exact, detailed)
– masusing pagsulong – eksaktong pagsulong,
maliwanag na pagsulong
pagsulong.
Sa ating lipuna’y
naglipanaNAGLIPANA – salitang-ugat: lipana
– nagkalat (diffused, found everywhere, widespread)
mandin
Ang masalimuot na mga usapin;
Binging moralidad ay tutok sa bangin
Ng
pagkariwarangPAGKARIWARA – salitang-ugat: riwara
– pagkapahamak ng dangal o kapurihan, kasawian, kabiguan (scandal,
disgrace, damage to reputation)
kay saklap tanggapin.
Tapos man ng haiskul ay di nalalaman
Ang pagpapamilya at pananagutan;
Ang marami’y walang pag-ibig sa bayan,
Minamahalaga’y ang sarili lamang.
Ang mga ito ba’y dapat na ituro?
Oo, kailangan!..itanim sa puso...
Ito ay hamon din sa lahat ng guro:
Dagdagan ang taon sa haiskul!—isamo!
Haiskul ang pag-asa tulad ng
palihangPALIHAN – hubugan, hulmahan,
hugisan (anvil; iron or steel block on which metals are
hammered or molded)
Panghubog sa mga kabataang mangmang;
Kapag ang panaho’y kapos...kulang-kulang,
Bansot ang hinubog sa silid-aralan.
HINDI DAPAT:
(Ikalwang
Tindig)
Tunay ngang
maunlad ang
teknolohiya,
At ang Pilipinas ay ayaw pauna;
Nguni’t nasasayang ang oras at pera
Sa
net games ng haiskul na walang kapara.
Sa gamit ay walang salaping idagdag,
Mga mag-aaral ay kahabag-habag;
Pagtuturo’y pa’no magkaka-kalidad?
Payak ay ayusin...timbangin ang lipad!
Sa iyo nanggaling na di nalalaman
Ng tapos sa haiskul ang pananagutan;
Haiskul pala sa ‘yo’y walang
kabunasanKABUNASAN
– salitang-ugat: bunas – kabuluhan, kahalagahan,
halaga, (importance, significance, value, worth)
– walang kabunasan – walang kabuluhan, walang
halaga, walang kuwenta,
At walang magaling na patutunguhan.
Di ako sang-ayon sa iyong sinabi—
Dagdag bang santao’y
huhunosHUHUNOS – salitang-ugat: hunos
– pagkuha ng kabahagi o kaparti sa ani (to get a
share of the crop being harvested) – Teksto:
kahi’t paghirapan ang dagdag na santaon sa haiskul ay walang
“hunos” o pakinabang na makukuha sa aanihin.
ng ani?
Kung di maitanim ang binhing marami,
Sa santaong hirap walang mangyayari.
Pandayan ng isip ang haiskul—totoo,
Hubugan ng diwa, bago kolehiyo;
Nguni’t suliranin kung di epektibo
Ang mga instruksyong turong-makatao.
Ang panahong dagdag ay hindi tutugon
Sa nakababagot nating edukasyon;
Ang kaisipan mo’y tila krusipiksyon
Sa haiskul na Kristong sa krus
naparoolNAPAROOL – salitang-ugat: rool
– sinamang-palad, napahamak (to meet with
misfortune).
DAPAT:
(Ikatlong Tindig)
Kabataa’y
“Kristo” sa
basalBASAL – basal na lupa o kagubatan (virgin
soil or forest); hindi pa natatamnan (referring to
soil, forest, etc.)
na lupa
Na sadyang natigang ng pagpapabaya!
Sa magulang lang ba ang sisi at pula,
Gayong haiskul natin ay nangaglipana?
Aral-panlipuna’t pagpapakatao
Ay pananagutan ng ating gobyerno;
Ang kasalukuyang pagtuturo rito,
Turong-
balisawsawBALISAWSAW – Di pagkapaihi nang
tuluy-tuloy (strangury; a slow and painful discharge of urine)
Sakit ng matatanda. Teksto: dahil sa hindi
tuluy-tuloy at hindi ganap ang pagtuturo ng pagpapakatao (humanities)
at araling panlipunan o pakikipamuhay sa pamayanan (community
life), inihahambing ito ng makata sa masakit at mahirap na
pag-ihing hindi matuloy-tuloy, kaya bumunghalit siya ng
“Turong-balisawsaw” (pagtuturong parang
urong-sulong na pag-ihi) sa kanyang pangangatuwiran.
,
pagka’t hindi todo.
Paano ang gugol ng mga magulang
Na nangaghihirap sa pagpapaaral?
Ano ang gusto mo? (gagastos din lamang)
Ay “half-baked” ang
“graduates”—di ba kahihiyan?
Sa “hilaw” na “tapos” ay di
maririnig
Ang ganda at tunog ng tuwid na Ingles;
Ingles ay kasamang-agapay na
salikSALIK – ideya, haka, diwa (idea,
notion, essence), kadiwa (fellow of the same spirit
or thinking)
Ng sariling wikang nasa ating dibdib!
Kung wika’y pundasyon ng nasyonalismo,
Kawawa ang batang hindi natututo;
Pagka-makabaya’y buhay at prinsipyo
Ng alinmang bansa saan pa mang dako.
Anong mahihintay na magandang bukas
Sa bansang
binunsayBINUNSAY – salitang-ugat: bunsay
– pinuril o binansot na halaman upang di lumago, mahinang
lumaki (bonsai: plant slow or stunted in growth)
– binunsay ng panaho’t hirap – binansot o
pinuril ng panaho’t hirap
ng
panaho’t hirap?
Aking uulitin, tayo ay pumayag,
Santaong dagdag pa sa haiskul ay lunas!
HINDI DAPAT:
(Ikatlong
Tindig)
Ating pagbalikan,
kasaysayan natin,
Matinding problema ay ating silipin;
Sa bunton ng dukhang mistulang alipin,
Haiskul ay banyaga’t hirap na pasukin.
Tayo ay humarap sa katotohanang
Mga libreng twisyo’y iilan sa bayan;
Haiskul na
marangyaMARANGYA – salitang-ugat: rangya
– maringal, masagana, magugol, mahalaga (sumptuous,
costly, magnificent, rich),
abot ng mayaman,
Subali’t sa dukha’y pangarap na lamang.
Pag-unlad ay hindi sa dagdag na taon,
Kung di sa mahusay at matinong leksyon;
Ang lengwaheng Ingles ay
gapokGAPOK – bukbukin, bulok, inaanay (rotten
inside, hallowed out by weevils or termites)
na
timonTIMON – panggabay na nasa likuran
ng bangka (rudder; a movable flat piece at the rear end of a
boat)
Sa bangkang-panlayag sa ilog at talon.
Kahi’t bulatlatin ang estadistika,
Maraming mahirap sa haiskul, hindi ba?
Ang dagdag na taong pinipilit mo pa
sa dagat ng dukha’y malagim na sigwa.
“Half-baked” ang sabi mo ang
“graduates” sa ngayon
At nakahihiyang resulta ng haiskul;
Nguni’t
nalingatNALINGAT – salitang-ugat: lingat
– di pagkapansin, di pagkapuna, pagkaligta (oversight;
a failure to notice or think)
ka sa mga sitwasyon,
Sa pinanggalingan nilang institusyon.
Sang-
angawAngaw – milyon (million),
sang-angaw (one million), sanlibong angaw (one
billion)
mang taon ang ating idagdag
Sa haiskul ay walang buting iuunlad;
Edukador nati’y nag-aasal-tunggak,
Dahil sa goyernong salaula’t
uslakUslak – hangal, tanga, tunggak (silly,
foolish)!
DAPAT:
Salaula’t
uslak?...kapag may
swine
virusSWINE VIRUS – nakahahawang
impeksiyong galing sa mga baboy (poison produced by an
infectious disease) - Tingnan din:
http://en.wikipedia.org/wiki/Swine_influenza
Na banta sa madlang kakila-kilabot;
Isinasarado ang haiskul sa takot
Na ang mga bata’y mahawa’t
matepokMATEPOK
– salitang-ugat: tepok – mamatay, pumanaw,
mapugtuan ng hininga, mabiktima ng kamatayan dahil sa di pag-iingat.
At gayon din naman kung may bagyo’t baha,
Tarangka ng haiskul ay
isinasagkaISINASAGKA – salitang-ugat: sagka
– ikinakalang, ikinakalso, ipinapipigil, ipinasusugpo (to
put or apply a shackle, anything that prevents freedom of action,
thought, etc.);
Kung merong santaong dagdag na sinadya,
Masasakop yaong araw na nawala.
HINDI DAPAT:
Araw na nawala ay
nakaabala,
Ngunit ligtas naman ang mga eskwela;
Magsuot ang gauze mask at magbitamina,
Upang ang“swine virus” di maging problema.
Yaong mga baha at matinding bagyo
Ay pangkaraniwang kalamidad ito;
Kung magkapote ka’t soot ang bota mo,
Bubuksan ang haiskul na langit mo’t mundo.
DAPAT:
HINDI DAPAT:
DAPAT:
HINDI DAPAT:
Bakasyo’t
pahinga ang dapat kaltasan,
Nang ang mga pista’y mabawas-bawasan;
Tapos ang lakwatsa at tradisyong-hangal,
Makatitipid pa ang pamahalaan.
DAPAT:
Panahong santaon,
higit pa
sa hiyas,
Tumatanggi rito ay bobo at tamad!
HINDI DAPAT:
Ang tamad at bobo
ay ang
walang hangad
Tutulan sa haiskul ang santaong dagdag!
DAPAT:
Dagdag na santaon
kapag
tinanggihan
Ay lalong darami ang “graduates” na
“hilaw.”
HINDI DAPAT:
Idinaramay mo sa
sinabi
mong ‘yan,
Ang “luto” sa haiskul ng mabuting kalan.
DAPAT:
Katwiran
mo’y
liko, makata ng Biñan!
HINDI DAPAT:
Lalong liku-liko
ang
matwid mong bigay!
DAPAT:
Ang dapat sa
iyo’y haiskul-bayabasan!
HINDI DAPAT:
At
kangkungan-haiskul ang
sa iyo naman!
DAPAT:
Manhid na makata,
gusto mo
ba’y away?
HINDI DAPAT:
Kung
‘yan ang
gusto mo, makatang pasaway!
(Habang
nagsisigawan ang nagtatalo,
hahadlang ang lakandiwa.)
LAKANDIWA:
Kayo’y
huminahon! Belen at Rodolfo,
Ito’y balagtasan at di basag-ulo;
Hahatulan ngayon kayong nangagtalo,
Kung sinong nagapi’t kung sinong nanalo.
Ang bibig ko’y halos di ko maibuka
Sa mga katwirang dito’y ibinadya;
Kung panalunin ko si Bheng na kay ganda,
Baka paratangang ako’y “sumisinta!”
Kung si Rudolf naman ang papagwagihin,
Lalaking makisig kung sa biglang-tingin;
Baka naman ako ay biglang dustaing
Isang binabae’t “malasadong bading.”
Kaya pakiusap sa madlang narito,
Sa gawang paghatol ay tumulong kayo;
Kung saan itapat ang kanang kamay ko,
Si Bheng o si Rudolf palakpakan ninyo.
Una muna’y kay Bheng, kamay ko’y tumapat,
Ang panig sa kanya...ngayo’y pumalakpak;
Yaong palakpakang tila nagpipiglas,
Tandang panig kayo sa kanyang binigkas.
(Magsisipalakpak ang
mga panig
kay Bheng.)
Ngayon ay tumapat ang kanan kong kamay
Kay Rudolf...ibuhos iyang palakpakan;
Ang palakpak ninyo na nagpapatunay
Na kapanig kayo sa kanyang katwiran.
(Magsisipalakpak ang mga
panig kay Rudolf.)
Aling palakpakan ang lalong malakas
Na magtutugatog sa makatang pantas?
Kahatulang mula sa inyong palakpak,
Pag-uwi ng bahay...doon ibulalas!
Maraming salamat madlang nalilimpi
Sa inyong ginugol na mga sandali;
Habang kumakaway kaming nakangiti,
Tagubilin nami’y namnamin ang sidhi.
Bayang nakikinig, bayang minamahal,
Mga panauhing guro’t mag-aaral;
Ang bukas ng ating haiskul na marangal
Ay nasasa inyong mabubuting kamay.
Matapos na kayo’y makapagdesisyon
Kung haiskul ay apat o lima mang taon;
Magkaisa kayo...magsamang tumugon
Sa hibik ng aba’t lumpong edukasyon.
Sa natipong lakas ng pagkakaisa,
Burol ng kurapsyon ay mabubungkal na...
(Sa haiskul, tagpasin ang puno at sanga
Ng lisya at tusong pamumulitika!)