191 192 193 194 195 196 197 198 199 200 201 202 203 204 205 206 207 208 209 210 211 212 213 214 215 216 217 218 219 220 221 222
HOME | MESSAGE DIGEST | MEMBERS | PHOTOS
[LSEI72] Digest Number 218 - January 27, 2008
Messages In This Digest (6 Messages)
1.1. Re: we are waiting From: Teresita Pasalo
2.1. Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M From: corazon guico
2.2. Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M From: corazon guico
2.3. Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M From: oscar palaypay
3a. Re: we are waiting to genia From: Eugenia Cwikla
4a. Re: we are still waiting From: Rafael Pulmano
1.1.
Re: we are waiting
Posted by: "Teresita Pasalo"
Fri Jan 25, 2008 3:35 pm (PST)
So easy to know who will hold the money. The answer is the bank and be disciplined enough not to touch it and really deposit P2000 a month , take it or leave it.
2.1.
Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M
Posted by: "corazon guico"
Fri Jan 25, 2008 5:23 pm (PST)
Thanks sa greeting. After I check my mail I call him to email you back. Agree ka sa Feb 2009?Cora
2.2.
Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M
Posted by: "corazon guico"
Fri Jan 25, 2008 9:21 pm (PST)
Boyet sorry tulog na si Daddy ngayon lang ako natapos kasi may pinapanood ako sa you tube. Ang pinapanood ko ay yon Happy Slip ang galing nya she is a Pinay-Am from New York. Kasi its almost about Pinoy tradition na nasa America, Very funny.
2.3.
Re: HAPPY BIRTHDAY, SHIRLY Jane M
Posted by: "oscar palaypay"
Fri Jan 25, 2008 9:56 pm (PST)
walang problema. naalala ko lamang ang panahong magkakasama kami nina pat alora, belar almadin, teddy casacop at si ako. nalilibang din ako sa you tube.. pinanood ko lately yong death anniversary ni ninoy aquino. hindi ko pa rin makalimutan.... ang bayan kong pilipinas!
3a.
Re: we are waiting to genia
Posted by: "Eugenia Cwikla"
Fri Jan 25, 2008 11:07 pm (PST)
Anong date sa Feb ang birthdays ninyo?
Hooray!!! matutuloy yata ang Feb. 2009 vacation, ah.
Oh, so far, si Cora, si Oscar, si Emma, si Henia, si
Carolina, si Pat,si Terri at Primo, OK na sa date na
ito. Iyong mga wala pang input, paki planuhin na rin
ninyo. SIguro naman, kung may one year na abiso sa
trabaho, papayagan kayo.
Paeng, makakauwi ka ba?
Shirley, pwede ka kaya?
Oscar, ang mga kaibigan natin sa Torrance, paki
sabihan din. Baka hindi lang nila alam ang plano at
saka ang yahoogroup natin. Hindi pa hulin sumali.
Pareng Ed Loyola, alam kong busy ka, pero, sana,
magkapanahon ka rin na mamasyal at mag enjoy, iba sa
ang kasama ay mga kaibigan, hindi pamilya. I know
family is first, then friends. Hindi mo naman sila
kinkaligtaan, eh. I know you have seen the world with
them.
Sa iba pang mga kaibigan natin sa abroad, inaantay
namin ang sagot nyo.
4a.
Re: we are still waiting
Posted by: "Rafael Pulmano"
Sat Jan 26, 2008 3:27 am (PST)
Mga kaklase, kaibigan, ka-batch sa Lake Shore,
Matagal akong di nakakapag-post ng kalatas dito sa pahina ng ating
grupo, pero araw-araw akong nakaantabay at nagbabasa sa lahat ng
inyong magagandang mensahe. At dahil di nga ako nakasulat ng matagal
ay ipinapahabol ko ang pagbati sa mga nagdiwang ng kanilang kaarawan
sa buwan ng Enero, lalung-lalo na kay Shirley Jane. Belated HAPPY
BIRTHDAY, She. Di malinaw sa akin ang detalye, pero nabasa ko na
inoperahan si kasamang Irma, na matagumpay naman daw ito. Pakipaabot
naman ang aking pangungumusta at mensahe ng maagang pagpapagaling
para kay Irma, sa mga kasamahang dadalaw sa kanya sa darating na araw.
Tungkol sa pinaplanong susunod na reunion, kumporme ako sa
mapagkakasunduan ng nakararami. Maraming salamat sa inyong pag-unawa
sa kalagayan naming nasa malayong lugar, pero doon lamang kami
nagkapareho sa pagiging malayo sa ating bansa. Bawat isa sa amin ay
may kanya-kanyang sitwasyon sa hanapbuhay at pamilya, kaya di
kailanman magkakaroon 100% attendance mula sa mga nasa ibang bansa
kahit iplano pa ito nang matagalan para mapaghandaan ng lahat. Sapat
na ang magbigay ng piling petsa o buwan ang sino man, batay sa
kanyang katayuan at balak sa hinaharap, ngunit sa huli ay dapat
sundin kung ano ang posisyon ng nakararami at di ng iisa o iilang tao
lamang. Nabanggit ko na noon pa mang kakaunti pa tayong nagpapalitan
ng mensahe rito na 5 taon mula sa nakalipas na reunion ay mungkahi ko
nag magkaroon uli ng panibagong reunion. Ngayon ay may nagpapanukala
nang mas maagang reunion, 2009 o 2010. Maganda lahat ang panukalang
ito at marapat lang na pag-usapan at pagplanuhan. Sa akin ay posible
ang parehong taon (2009 ang renewal ng 3-year contract ko rito sa
kolehiyo sa Micronesia), pero ang available lang na buwan sa akin ay
June-July at December. Karaniwang may Summer teaching load ako pag
June-July, pero ito rin ang panahong maaari akong di magturo at
makauwi sa bansa upang magbakasyon. Kapag Disyembre naman ay
limitado lamang sa 2 weeks ang aking bakasyon, kaya kung ako ang
tatanungin ay nais kong iwasan ang petsang ito dahil sayang ang
pamasahe sa ganoon kaigsing bakasyon. Ngayong naipaalam ko na ang
aking posisyon tungkol sa reunion, pakinggan natin ang mungkahi ng
iba at, gaya ng aking nabanggit na, sundin natin ang kahilingan ng
higit na nakararami. Walang problema sa akin kung hindi tumama sa
June-July ang susunod na reunion, dahil sabi nga sa awit ni Aiza, "Di
pa siguro bukas, di pa rin ngayon; malay mo balang araw....duamating
rin yon." Handa akong maghintay sa tamang pagkakataon. Hindi ako
natatakot na tumatanda na tayo sa pagdaraan ng mga taon, dahil alam
ko na kapag nagkikita at nagkakasama-sama tayo ay pare-pareho lamang
na nagiging bata ang pakiramdam at turing natin sa isa't isa. Isang
magandang dahilan kung bakit nananabik ang lahat na makasama sa
gaganaping reunion.
Naikwento ko kanina sa pakikipag-chat ko kay Emma (Prima Aguila-
Barclay) na may ginawa akong mga web pages para ating grupo, kung
saan kinopya ko lang ang mga Yahoo Messages natin mula January 1,
2008, nilinis sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga di-kailangang
paulit-ulit na teksto, at ini-upload sa aking web server.
Makatutulong ito sa mga nais balik-balikan o i-review ang mga
nakaraang palitang ng mensahe, at (marahil) makatutulong rin ito na
maka-recruit pa tayo ng ibang miyembro ng LSEI Batch '72 sa ating
online group. Ito ay manually edited and updated ng inyong lingkod,
kaya medyo atrasado ito kumpara sa ating group site. Pero subukin
ninyong bisitahin. Sa aking karanasan, mas mabilis mag-load ang
contents ng mga pahina nito sa web browser dahil may sarili itong
server. May mga reserbang pahina para sa bawat member, at sana ay
makapagsulat kayo ng maikling ninyong talambuhay at ipadala sa akin
sa email, para mailagay ko naman sa mga pahinang ito.
Eto nga pala ang address ng ating grupo sa aking website: http://ofw-
bagongbayani.com o kaya at http://rafaelpulmano.com
Scroll nyo lang ang pahina at hanapin sa ibaba ng page, bandang
kanan, ang LSEI BATCH 1972 CORNER at i-klik ang larawan o link sa
ating group site.
Hanggang sa muli,
191 192 193 194 195 196 197 198 199 200 201 202 203 204 205 206 207 208 209 210 211 212 213 214 215 216 217 218 219 220 221 222
HOME | MESSAGE DIGEST | MEMBERS | PHOTOS
This site is edited and maintained by Rafael A. Pulmano
Proud Member of Lake Shore Educational Institution Batch 1972
Copyright © 2008 Rafael Pulmano | http://rafaelpulmano.com